google.com, pub-3628164630874401, DIRECT, f08c47fec0942fa0
top of page

13-anyos na dalagita namatay sa rabies. Inilihim diumano sa kaniyang magulang ang pangyayari kaya hindi naagapan


Courtesy of ONEbalita


Pumanaw dahil sa rabies virus ang isang 13-anyos na babae sa Tondo, Manila. Ang biktima, hindi sinabi sa kaniyang magulang na nakagat siya ng aso dalawang buwan na ang nakalilipas.




Sa ulat ni Darlene Cay sa GMA News 24 Oras Weekend nitong Linggo, makikita na itinali na ang dalagita habang nasa kama ng ospital dahil hindi na mapakali at pagwawala.


Madidinig sa video na sinasabihan siya ng kaniyang ina na mahal niya ito.




Napag-alaman na nitong nakaraang Pebrero nakagat ng aso ang dalagita sa Vitas Park in Tondo. Nang tanungin ng mga magulang kung bakit siya may sugat noon sa paa, sinabi ng biktima na sumabit lang siya sa alambre.



“Sabi ko bakit ngayon ka lang nag-sabi? Sabi niya, Mama, sorry Mama, sorry sabi niyang ganon. Sabi ko hindi naman ako magaglit sayo kung sinabi mo, dapat naagapan. ‘Ma, mamamatay na ba ako, mamamatay na ba ako?’ Doon ako kinabahan parang gusto ko nang mag-hysterical,”



“Hindi ko tanggap, ang hirap kasi alam mo na hindi ine-expect na mawawala siya sa amin, biglaan,” - dagdag pa nito.






PANOORIN ang boong video


SPONSORED








FOLLOW US!


❤️ SUPPORT 

⚖️ BLOG

🛒 SHOP

 
 
 

Recent Posts

See All

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note
Get In Touch

Subscribe Form

Thanks for submitting!

  • Facebook

©2024 by ATTY. TUPUE. Proudly created with Wix.com

bottom of page